36

1687 Words

Birthday no'ng quadruplets. Si Mackenzie, Faith, Hope, and Heaven. Ang mga bisita ay mga kaibigan at kapamilya lang naman. Kabilin-bilinan na ng parents ko na walang iinom. Pero nang makita ko ang hanay ng iba't ibang klase ng alak ay nakaramdam agad ako ng excitement. Habang nakikipag-socialize ang parents ko at ang mga kapatid ko kasama ang mga asawa nila ay ako naman itong pasimpleng kumuha ng alak at binitbit iyon patungo sa garden at doon tumambay. Inilabas ko rin ang sigarilyo ko at sinindihan agad iyon. Dinig na dinig ang masayang tugtugin sa harap ng mansion. Habang ako'y narito at may sariling mundo. Ewan ko ba, simula nang magising ako sa pagkaka-coma ay pakiramdam ko'y hirap na hirap na akong maging masaya. Mukha lang happy sa harap ng iba. Sa harap ng pamilya at kaibigan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD