"Alalang-alala kami kagabi dahil hindi ka namin mahagilap, Bithiah. Tapos maaabutan namin kayo sa gano'n ayos?" disappointed na tanong ng aking ama. "D-ad, magpapaliwanag po kami." "Anong paliwanag ang sasabihin n'yo? Nag-jock 'n poy kayo sa kwarto? Walang mga saplot. Huwag n'yo kaming gagawing tanga sa paliwanag n'yo ha." Galit na ani ng aking mommy. Naiiyak na ako. "Gusto kong manapak." Bulalas ni Kuya Yzekiel. Pero mabuti na lang at pinapakalma ito ng asawa sa tabi n'ya. Gusto ko na lang talagang lumubog sa kinauupuan ko dahil sa kahihiyan. Parang alam na ng buong Hombre Fuerte Homes na na-pop na ang aking cherry kagabi. Dahil halos lahat ay narito sila. Bakit narito pa rin sila? After ba ng party ay rito sila nagsipagtulog? "Ginusto po namin ang nangyari sa amin, Ninong Yko." Ser