"Bithiah, sana naman pansinin mo ang messages ko. Alam kong nasa Hombre Fuerte Homes ka. Hindi ako makapasok. Baka pwede mo akong kitain." Ipinabasa ko iyon kay Uno na nag-g-gym. Nakatulog ulit ako sa couch nang magising ay iyon agad ang nakita ko sa phone ko. "Ano ang sasabihin ko?" "Tell him may ginagawa ka pa. Next time na lang." Tumango naman ako't mabilis na nag-reply. "May ginagawa pa ako, Kid. Next time na lang." Pagka-send ko no'n ay nag-reply rin naman agad ito. "Kahit sobrang saglit lang. I miss you na. Ngayon lang tayo hindi nagkita na tulad noong magkasama tayo." Inulit kong binasa ang mensahe nito. Obligasyon ko ba? Hindi naman n'ya ako jowa na required makipagkita. Bakit parang nagbago ang ihip ng hangin kay Kuya Kid. Ang weirdo n'ya tuloy sa paningin ko. "I'm busy." Pag