"Lahat ba ay naalala mo na talaga?" mahinahong tanong ng aking ina habang magkatabi kaming nakaupo sa couch. Walang malay na dinala rito si Ninong Uno. Lumabas lang saglit ang parents at kapatid nito. Isinama rin nila si dad. Kaya ngayon ay tatlo lang kami rito sa silid. "Yes, mommy." "Do you remember din ba kung bakit ka umalis ng party?" "Of course. Kahit no'ng pag-uwi ko sa bahay. Tapos pang-alis ulit. Naalala ko na lahat, mommy. Naaalala ko kung gaano ako labis na nasaktan ng taong sobra-sobra kong minahal." "Ngayong naaalala mo na. May nagbago ba, Bithiah?" "Hiniling ko na makalimutan na siya, mommy. Gusto ko kasing makalimutan na rin ang sakit na dinulot ng labis kong pagmamahal sa kanya. Naging way ata ng Diyos na magka-amnesia ako. Pero ang nakakatawa, mommy. Minahal ko siya k