Ako ang tagalinis ng sugat ni Uno. Naghihilom naman na iyon. Pero may likas din pala itong kaartehan. Kailangan daw ay ako ang maglinis. Hindi ko rin alam ang point kung bakit sa balikat at tiyan lang naman ang tama nito. Pero sa tuwing nagpapalinis ito ng sugat ay wala itong saplot sa buong katawan nito. Ilang beses na nauwi sa s*x ang dapat ay paglilinis lang ng sugat. Pero ngayon... iba ngayon. Sinadya kong sabihin na pupunta ang parents ko. Well, naisip ko lang iyon na sabihin nang makita kong wala itong saplot. Katatapos nitong maligo at naghihintay na linisan ko ang sugat n'ya. "Really?" dali-daling kinuha nito ang unan at itinakip sa p*********i n'ya. "Yes. Kaya kailangan na nating tapusin agad ito." Sinimulan ko naman agad linisan iyon. Tahimik at behave lang ngayon si Uno.