"Soledad!" "Lola?" napatingin ako kay lola. Nagmamadali siyang lumapit sa akin. "May magandang balita! Alam mo ba na ipapamigay 'raw dito sa atin ang lupang kinatitirikan ng ating mga bahay?! At... hindi na laging makikipagtalo pa lagi ang lolo mo Sol!" Napangisi ako dahil unti unting tinupad ni Frosto ang mga nasabi niya sa akin noong kailan. Sa tono ng boses niya ay hindi niya ginusto na sabihin iyon sa akin. "Mabuti naman la! Magandang balita iyan!" Nakita ko na nasa labas si lolo sa ilalim ng malaking puno at nakikitipon sa mga ka tribo namin. Napangiti ako ng makita ang ngiti sa mga labi ng aming mga kapitbahay. Mula noong bata pa ako ay namulatan ko kung gaano ka simple ang pamumuhay ng mga mangyan. Halos kalahati dito sa amin ay namamalimos sa daan para mabuhay. Ang iba ay

