HINDI ko alam kung bakit may sariling isip ang aking mga paa pero namalayan ko nalang ang sarili kong nasa kanyang harapan. "A-Anong kailangan mo?" Halos magdiwang ako ng marinig ang pagring ng bell ng eskwelahan. Ang mga ibang studyante ay nagtakbuhan para hindi masarhan ng gate at ang iba ay napahinto pa at nanlaki ang mga mata na tinitigan kami. Umiwas ako doon at tinitigan si Frosto na kanina pa pala sa akin nakatingin. Dinudungaw niya ako at nakatingala ako sa kanya. "May inayos ako sa Manila kaya hindi kita nabibisita." paliwanag niya. "A-Ayos lang naman." Umigting ang panga niya. Tila ba'y alam niyang may pagdududa ako ngunit dinadaan niya sa masuyong paraan ang pag uusap namin. "Pumasok kana. Aantayin kita dito sa labas mamayang lunch break niyo." seryosong sabi niya.

