TUMATAK sa isipan ko ang mga bagay na iyon. Ilang araw ng eskwela rin na hindi ko na siya nakikita pa. Masakit iyon sa parte ko. Ang huling pagkikita namin ay tandang tanda ko pa na liligawan niya ako, hatid sundo at nag uusap. Ngayon, hindi na siya nagpapakita. Lahat kaya na hinuha namin ni lola ay totoo? Kung ganon, ginagamit niya lang talaga ako para makuha ang loob namin para maibenta ang lupa? Sinalakay ng kakaibang sakit ang aking dibdib. "Ating!" sigaw ko kay Ating ng makitang marami siyang dumi. Sanay na ako na makita ang katribo namin na madudumi. Meron rin namang malinis pero hindi halata dahil sa aming balat. Karamihan sa mga kapwa namin ay bata palang ay nagsipag asawa na at normal iyon sa amin. Naging tradisyon na. Tanging kami lang ang hindi gaano sumabay sa nakasanayan

