Hindi ako maka focus sa klase pero nakangiti ako at may gana. Parang ang saya saya ko ng araw na ito. Sinipa ni Jenessa ang aking silya kaya napatingin ako sa kanya. "Ganda ng ngisi mo ah. Nakita kitang hinatid nung’ guwapo. Syota mo yun?" tanong niya at umiwas na tila ba may kakaibang iniisip at tumingin sakin ulit at kinagat ang labi. “Nanliligaw sakin si Frosto." diretsong sabi ko at umiwas. Ngumuso lamang siya at nakinig sa aming guro. Magana ako buong hapon. Nang madismiss kami ng hapon ay agad kong tinungo ang teacher's office para makausap si Ma'am Cora. Siya lang kasi ang alam ko na makakatulong sa akin. Sumilip ako sa teacher's room at nakita agad ako ni Miss Cora. Alam ko na mali ang nagawa ko dahil sa pagtanggi ko sa offer niya na pagkanta sa Labangan kasi kailangan ko

