Chapter 7

1178 Words
Upuan Excited ako ngayon para sa pasukan. Sino sino kaya ang mga magiging kaklase ko ngayong Grade 10? Kulay navy blue ang aming uniporme. Hindi na kami bumili pa ng bago dahil alagang alaga naman ni lola ang uniporme ko. Kung ang iba ay may mga bagong damit, ako naman ay uniporme na ang susuotin. Nga lang, wala pa akong sapatos. Tinitigan ko ang sapatos ko na nakanganga na ang harapan. Kinuha iyon ni lolo. "Tignan ko Sol kung may pera pa ako ha? Bibili ako para sayo." Umiling ako at kinuha ang toothpaste at toothbrush ko. Kakatapos ko lang kumain. Maagang maaga pa. Maaga ako gumising dahil lalakarin ko ang daan. Mag eenjoy na naman ako nito kakapitas sa mga bulaklak. Hindi ko na pinaghahawakan ang sinabi ni Frosto na susunduin niya ako dahil alam ko namang busy siyang tao. "Lo, wag' na. Wala kana pong trabaho kaya ipunin nalang natin ang mga pera mo Lo. Kailangan nyo iyan sa gamot niyo. May sapat naman akong baon para sa linggong ito. At ayos pa naman ang tsinelas ko Lo." Biglang pumasok si lola mula sa likuran ng bahay. Bitbit nito ang inayos niya at nakaplastik na mga gulay. "Ang dami na ah.." nakangiti si lolo. Kaninang nagkakape sila ni lola ,masinsinan silang nag usap dahil wala nang trabaho si lolo. Kaya, naisip ko na yung mga gulay ni lolo na natanim sa likuran ay ibenta nalang. “Nahugasan ko na ang mga yan at nabalot na Sol." binigay rin ni lola sakin ang mga listahan ng mga halaga na ito. Hindi na bago sakin to kasi nang mga nakaraang taon ay nakabenta na ako nito sa skwelahan lalo na sa mga guro. "Sige lola.." May dala akong malaking bayong at ang aking bag na binigay noon sakin sa palengke. Basa ang bawat damo at dahon na maapakan. Makapal pa ang fog sa palayan ng madaan ko. Nilanghap ko ang sariwang hangin at napangiti. Nakita ko ang mga ka baryo o kapwa namin mangyan na papunta naring eskwelahan. Nasa isang grupo sila, nandoon rin si Ating at Bandok. "Ate Sol! Tulungan kana namin!" si Ating. Umiling ako sa kanila. "Wag na. Malayo pa yung eskwelahan namin. Ang inyo, doon lang oh." Iniwas ko ang bayong na hawak ko sa kanila. Marami akong batang kasabay papuntang highway. Nahirapan ako kasi delikado sa daan. Nasa walong bata ang kasabay ko. Nakita ko pang napadaan si Jenessa na nakasakay sa trysikel. "Ating! Maghawak hawak kayo ah! Walang bibitaw hanggat hindi pa tayo nakakatawid!" Sabay sabay silang umoo sakin. Medyo nahirapan ako pero napatawid ko sila ng maayos. Nakita ko silang nakapasok na sa kanilang eskwelahan. Kaya eto ako at pinagpatuloy ang aking paglalakad. Papaliko na ako sa rotonda nang biglang may humarang na sasakyan sa aking gilid. Umawang ang labi ko sa kaba at nasapo pa ang dibdib. Ngumisi ako nang bumukas ang pintuan ng Ford ni Frosto. Nakatitig lang siya sakin kaya nagdalawang isip ako. Maraming sasakyan ang dumadaan na mayroon lamang estudyante. "Uhm..magandang umaga!" "Hahatid kita. Get in, please." Tumango ako. Excited ulit na sumakay sa sasakyan niya. Mataas ito kaya nahirapan pa ako. Kailangan pa niyang tulungan ako. Hinawakan niya ako sa aking braso para maangat. Hirap talaga kapag hindi matangkad. Kinakabahan ako pero masaya dahil sa hindi inaasahang pagkita ko kay Frosto. Napansin niya rin ang dala kong bayong. "Saan mo dadalhin ang mga iyan?" magalang ang kanyang boses pero malalim. "Uh...sa eskwelahan. Ibibenta ko." Umiwas na ako at diretso ang tingin. Bawat reaksyon na makikita ko sa kanya parang hindi ako kumportable. Napaka estranghero. Ibang iba sa mga naranasan ko noon ang nararamdaman ko. Ganito siguro kapag crush mo ang isang tao. Sinong hindi magkakagusto sa isang Frosto? Makisig siya, guwapo, at matalino. Higit sa lahat, may pananaw siya sa buhay. "Magkano ba lahat?" "Ah! Nakakahiya naman Frosto. Noong kailan binili mo rin ang mga gulay at binigay samin. Alam kong naaawa kalang s-sakin..." Umangat ang gilid ng kanyang labi na ikinataka ko. "Hindi ako naaawa sayo Soledad. Alam mo kung ano ka sakin..." Tumango tango ako at ngumiti. "Kaibigan? Magkaibigan na tayo?" Napakurap kurap siya at nakita ko na ang malapit na skwelahan namin. Paano niya nalaman ang skwelahan ko? "Hmm.." tumango siya. "Magka....ibigan." sabi niya ng mabagal. Ngumiti ako sa kanya. Ayos. Kaibigan ko na ang crush ko. Mas lalo akong naganahan. Naganahan ako sa mga araw na susunod pa na kasama ko siya. Marami nang labas masok sa eskwelahan ng itigil niya ang sasakyan. Nagkatitigan kami ulit. "Come on..how much?" tanong niya ulit. Iniangat ko ang gulay. "Two fifty pesos to sabi ni lola lahat.." "Hm..madami yan para sa two fifty. Mahal ang gulay ngayon. How about two thousand pesos?" Nagulat ako! "Hala, ang laki!" Humalakhak siya. "Come on.." may kinuha siya agad sa kanyang wallet. Dalawang libo iyon. Matagal ang titig ko doon sa pera. Parang labas sa kalooban ko na tanggapin iyon. Mas gusto ko pang maghirap ako sa paglako nun. "Pero..." Kinuha na niya sakin ang bayong at nilagay sa likod ng kanyang sasakyan. Ayaw ko parin tanggapin ang pera. "Hmm..para makabawi ka sakin o makabayad..hahatid kita araw araw. Magkwento kalang ng mga gusto mo." "A-Ano?" ang gulat ko ay napalitan ng pagtawa. Kakaiba ang mata niya. Yung tipong, nang aakit. Kaya hindi ko iyon matagalan e. “I know you won't accept it so..for exchange...hahatid kita araw araw. Kwentuhan moko..kahit ano." "Hindi kaba busy sa trabaho mo?" "Not so..don't worry." "Sige!" "Good girl.." ngumiti siya sakin. Bumaba ako na may dalawang libo sa bulsa. Masasayahan nito si lola at lolo! Nakakalula ang unang araw ng klase! Ang daming studyante. May mga natatandaan pa ako. Hinanap ko nga rin si Rex sa section ko pero hindi kami magkaklase. Grade 10 - Lavender Pumasok ako sa room at marami nang studyante sa loob. Halos hindi naman nila ako napapansin tulad noon. Dahil unang klase nahirapan ako maghanap ng silya ko. May nakita akong silya malapit sa bintana. Kaso, inaapakan iyon ng lalaking kaklase ko. Nagdadalawang isip ako kung paano ko iyon makukuha. Nasa bintana sila at nagkikwentuhan. Bigla siyang siniko ng kasama niyang mukhang napansin ako. Napakurap kurap ako. "Uy! Si S-Soledad ata yan. Bigay mo ang upuan!" sabay tawa ng kasama niya na kilala pala ako. Tila naman namula ang lalaking nakaapak sa upuan na bakante. "Oy! Mangyan! Maghanap ka ng upuan mo na para sayo. Inaapakan koto tapos ibibigay ko sayo? Marurumihan tong upuan! Sayang to. Alis ka nga dito!" sigaw ng lalaki sakin. Halos mapaatras ako dahil doon. Hindi pako nakahuma ng biglang may dumaan at tumabil sa paa ng lalaking nanigaw sakin. S-Si Jenessa!? May hawak siyang cup ng juice at nabuhos niya iyon sa upuan! Sa paa ng lalaki! "Ay, marumi na? Sayang. Bigay mo kay Sol na marumi." sabay haklit niya ng upuan sabay hagis sa banda ko. Ininom niya ang juice na natira sa cup at inayos ang buhok bago tuloy tuloy na lumabas. Kumakalabog parin ang dibdib ko sa kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD