Pusong Malikot
Dahil sa nakita ni lola na basang basa si   Frosto dahil sa ulan ay pinatuloy niya ito sa aming bahay. 
"Naku! Nakakahiya dito kay ser Frosto! Soledad! Ang malinis na tuwalya!"
"Opo!" mabilisan kong hinila ang tuwalya sa aming kuwarto. 
Pinaupo ni lolo si Frosto sa aming upuan. Mas lalong lumakas ang ulan sa labas. 
Nakita kong napatitig si lola sa camote cake na binigay ko kay Frosto. Uminit ang pisngi ko. 
"Hay Naku! Dito kana kumain sir Frosto! Nakakahiya! Ba't kaba nagpaulan Sol?!"
Hindi ako nakasagot. Nakatulala lang ako sa tuwalya sa balikat ko. Nang iangat ko ang tingin ay nakatitig pala sakin si Frosto. 
Umubo ako. "Uh, k-kasi..."
"Maligo ka na doon sa balon at magbihis ka na!" utos ni lola. 
"Ikaw pala yung namigay samin ng mga prutas at gulay? Maraming salamat hijo.." 
Ngumiti si Frosto at tumingin sakin ng akma akong aalis para makaligo. 
Si lola naman at abala na sa paghahanda ng kung anuman para kay Frosto. 
Maliit ang bahay namin. Wala kaming sala. Ang kinauupuan niya ay isang punong pinutol pa noon ni lolo at ginawang upuan. May mesa sa gilid niya at nilapag doon ni lola ang kape para kay Frosto. Habang si Frosto ay nagpupunas ng tuwalya sa buhok. 
"Ah, hijo! May damit ako dito baka lamigin ka. Huwag ka munang umalis..delikado sa sasakyan gayong malakas ang ulan ngayon."
"Oo nga po lo.." 
Ang sa gilid namin ay terasa na nang aming nilulutuan ni lola. May malaking bato at doon kami nagluluto. Nakasampay sa matulis na bakod ng terasa ang aming mga baso. Sa isang gilid pa ay pintuan papuntang likod, sa mga gulayan ni lolo. 
Mayroon lang dalawang makitid na kuwarto. Ang sa kanan ay kina lolo ang sa kaliwa naman ay kuwarto ko. 
Binuksan ko ang pintuan para sana makaligo na sa balon nang tumayo si Frosto. 
"Ako na mag iigib sayo. Doon kana sa banyo niyo.." 
Umawang ang labi ko. "N-Naku hindi! Ako na! Nakakahiya!" 
Pinasadahan niya ako ng tingin kaya bahagya akong nahiya. Bakit nakakatakot ang titig niya? Kumakalabog tuloy ang puso ko at napapaurong ako. 
"Ah...okay.." yun nalang sinabi ko. Umubo naman si lola na nakikinig pala at nag thumbs up pa sakin! Nang lumabas si Frosto ay nangangati si lola na nilapitan ako bago ako sinampal sa braso ,gigil na gigil. 
"Hay apo! Ang tanda na nung edad nang Frosto na yun para sayo pero bagay kayo! May kemist!" 
"Hindi kemist la! Chemistry yun!"
"Uy! Alam na alam..napapaamin ka! Naku, ibubugaw talaga kita diyan kay Frosto na yan!"
"La!" ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko! 
Napuno ni Frosto yung malaking tub namin sa banyo! First time na napuno iyon! Tsaka naligo na ako. Syempre ,doon na ako sa banyo nagbihis. 
Pagkapasok ko sa bahay ay madilim na. Nakasindi na ang aming lampara. Nahihiya talaga ako kay Frosto. Alam ko naman na hindi siya sanay sa ganitong kapaligiran. 
"Tama ang lolo Frosto. Dito ka nalang matulog at gabi na! Bukas wala na yang bagyo! Kasya naman kayo doon ni Soledad sa kanyang kuwarto. May kumot siya doong malapad at dalawang unan. Malinis yang si Sol sa kanyang mga gamit hijo. 
Naku, binubugaw na nga ako ni lola! 
Nagkatitigan nga kami ni Frosto. Napalunok siya at bahagyang pinilig ang kanyang ulo. 
"Thanks lo, la pero kayang ko namang umuwi. Malapit lang ang hotel na tinutuluyan ko.."
"Sigurado ka ba hijo?" 
"Opo la." 
"Kung ganon’ ay kumain ka nalang muna at sabayan mo kami. Patilahin mo nalang ang ulan." 
Tumango siya at nakita kong nakabihis na siya ng damit ni lolo. Napanguso ako dahil pareho kaming kulay puti ang t shirt. 
Sa gitna ng mesa ay ang lampara. Bahagya pa iyong nahihipan ng malakas na hangin. Napapikit rin ako dahil parang aanurin ng hangin ang aming bubong. 
Napatingin rin sa bubong si Frosto. Mas lalo akong nahiya. 
"Uh..may kilala akong nag-aayos ng bahay lola." magalang na sabi ni Frosto. Napatingin kami sa kanya. Pansin ko ang pakikibagay niya samin dahil nagkamay siya habang kumakain. 
"Wag na hijo." si lolo. "Balak ko rin kasing paayos talaga ito..nag iipon lang ako."
Yun pala! 
"Lo, bakit pala pinaalis ka ng mga Septimo sa palayan?" 
Nanlaki ang mga mata ni lolo ,yumuko naman si lola. Nakita kong nangunot ang noo ni Frosto pero hindi na sumabat pa. Tila ginagalang ang aming usapan. 
"Soledad,uh ano...marami namang trabaho diyan tsaka maliit kasi ang halaga ng palay ngayon.."
"Tama.." tumango si lola. "Parang wala lang rin ang pagtatrabaho mo doon kaya maghanap ka sa iba ng trabaho."
"Wag kang mag alala lo..magsasideline ako kahit pasukan na sa lunes. Mag aaral ako ng mabuti.." ngumiti ako sa kanila. Nahuli ko namang nakatingin si Frosto sa aking labi. 
Hinimas ni lola ang aking buhok. "Hay...ang ganda ganda talaga ng apo ko. Swerte talaga ng magiging boyfriend mo kasi marunong magluto! Marunong magtrabaho ng gawaing bahay! Mabait! Maganda! Atsaka matalino!" 
"Mana kay lola!" sang ayon ko. Nagtawanan kami ni lola at lolo. Titig na titig naman sakin si Frosto. Nakita ko ring kinakain niya ang camote cake. 
Natapos na kami sa pagkain at medyo tumila na ang ulan. Madilim sa labas lalo na't wala namang ilaw ang karamihan sa aming baryo. Ang ilaw lang talaga ay nasa gilid pa ng palayan,papuntang highway na. 
Naghuhugas ng pinggan si Lola nang magpaalam na si Frosto. 
"Sige hijo! May isang payong diyan Soledad! Ihatid mo si sir Frosto sa labas!" 
Nagkatitigan kami ni Frosto. Kaya heto na naman ang puso ko, grabe yung kalabog.
"Opo!" kinuha ko ang payong sa gilid ng mesa. Narinig kong nagpaalam ng maayos si Frosto kay lolo at lola. 
Humina na ang ulan ng buksan ko ang pintuan. 
"Tara na?" anyaya ko. Tumango lang siya. Kinakabahan parin ako dahil ngayon lang talaga ako naging close sa isang lalaki! Maliban kay lolo at Rex! 
Dahil siya ang mas matanggap ay siya ang humawak sa hawakan ng payong kaya nahawakan niya ang kamay ko. Gusto kong hilahin ang kamay ko pero nanigas ako ng maramdaman ang marahan niyang paghaplos sa aking kamay. Hinahaplos iyon ng hinlalaki niya! 
Umubo ako at tinahak na namin ang daan. 
"Diyan kalang sa dulo. Kaya ko na.."
Maputik na ang daan at nababasa parin kaming dalawa dahil sa ulan! Hindi ko nga makita ang daan kung hindi lang siya naglabas ng cellphone niya at nagpailaw. 
Buti nalang! 
Pero hindi naging sapat ang ilaw ng cellphone niya dahil napasigaw ako! May malaking bato sa aking dinadaanan kaya humawak ako sa braso niya para hindi ma out balance! 
Narinig ko siyang nagmura sa engles! Isang kabig niya lang pabalik sakin ay bumalik ako sa kanyang bisig! Naramdaman kong lumapat ang kanyang labi sa aking noo! Kung hindi lang siya mataas baka sa labi niya ako nahalikan! 
Luh!! 
"Ayos kalang?" sabay pailaw niya sa aking paa na ayos lang naman. Sobra ang kaba ko hindo dahil sa muntikan kong pagkatumba kundi dahil sa init ng kanyang katawan! 
"Get inside now. Maginaw na.." utos niya. "Thanks again.." 
Tumango ako. Bahagya niyang ginamit ang damit para ilagay sa kanyang ulo. Tumalikod ako para makabalik sa bahay nang makitang pinailawan niya ng kanyang cellphone ang aking daraanan. 
Unti unti kong hinawakan ang aking pusong malikot.