Basa
Maaga akong nanguha ng iilang kamote sa likod ng aming bahay. Sa likod ng aking maliit na bahay ay maraming gulay. Mahilig si lolo sa mga gulay, at minsan kapag wala kaming ulam ay doon kami kumukuha. 
Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Ewan ko ba, masyado kong dinibdib ang bawat interaskyon namin kahapon ni Frotos. 
"Sol! Anong ginagawa mo diyan? Marami naman tayo ditong gulay na binigay kahapon ng guwapong si Ponsyo di'ba?"
Nilingon ko si lola na nagsasaing sa malaking bato. 
Ngumiti ako. "La, kasi nangako ako kahapon na patitikim ko si Frosto ng aking camote cake.." 
Natigilan si lola. Tumaas ang kilay niya at namaywang. Nagtaka tuloy ako. 
"Anong patikimin ng camote cake mo Sol?" mahinang bulong niya. 
Napakurap kurap ako. Tumayo ako at kinuha ang sapat na kamote na nasa basket para lutuin na. 
"Sabi ko kasi kahapon kay Frosto la na gagawan ko siya ng kamote cake ko para patikimin siya la.." 
Pumikit siya at tumango. 
"Oh siya! Sige, pakibantayan narin iyang sinaing natin baka mabatok sayang ang bigas. Si lolo mo nasa palayan. Teka nga lang...handa ka na ba sa pasukan Sol? Sa lunes na iyon ah."
"Opo la!" 
Ganadong ganado ako sa paggawa ng kamote cake. Mabuti nalang may mga sangkap ako dito na puwedeng ilagay at gamitin. 
Hindi ako nahirapan kahit na pinagsabay ko ang paggawa ng kamote cake at pagluto ng aming ulam. Pagkatapos nito kasi hahatiran ko pa si lolo ng kanin at ulam sa palayan. 
Nag ayos ako ng bahay at nag igib ng tubig sa balon. Nakikita ko habang nag iigip sila lola ,nanay ni  Ating at Bandok na nag uusap sa ilalim ng puno ng narra. 
Gumagawa sila ng mga ititinda nilang porselas at mga kakanin  at iba pa para sa gaganapin na programa sa Labangan. 
Usap usapan ang sayawan doon. Gaganapin iyon apat na araw mula ngayon. Noon, kahit hating gabi nandoon kami para magtinda kasama ko ang mga kapwa mangyan. 
Nang matapos ko na sa wakas ay naligo ako. Ngayon, bigla akong naconscious sa pagligo sa balon. Paano kung biglang dumating si Frosto at makita ako na nakaganon? Hay! Hindi puwede. 
Hindi ko na ginamit ang nauna kong inigib dahil nilalaan ko iyon para kay lola at lolo. Kaya ang isang balde na inigib ko ay dinala ko sa banyo namin at doon naligo. 
Nang matapos ay sinuot ko iyong bestidang matagal nang binili sakin ni lolo sa plaza. Nang first year ko pa itong bestida kaya medyo maliit na sakin. 
Sa salamin na nakaipit sa aming dingding ay natagalan ako. Sa ilang taon kong nagsusuklay ngayon lang ako nahirapan! 
"Hay!" sumuko na ako dahil kahit anong gawin ko ay ganon parin ang mukha ko kaya wala namang kwenta. Nagpolbo ako ng konti at handa na akong pumunta sa palayan. 
Nilagay ko ang kanin na nasa plastik at ulam sa bag na tela ni lola. Nasa isang bag rin ang camote cake na nasa dalawang plastik. Ibibigay ko ang isa kay lola Thelma, at ang isa syempre kay Frosto. 
"Lola..." nilapitan ko si lola na nasa narra at may ginagawa. 
"Oh, aalis kana? Wow! Mukhang dalagang dalaga kana talaga ngayon Sol ah! At...nagshampoo kapa ng palmolive! Hindi na labada!"
Nahiya ako sa sinabi ni lola. Mabuti nalang siya lang ang nandito. 
"Ah, w-wala naman la. K-kasi-"
"Kasi nagdadalaga kana at may crush ka kay Ponsyo? Hay Sol-"
"La! Hindi. Mag aaral muna ako ng mabuti bago ang mga g-ganyan..."
"Sus! Nautal kapa e. Oh, siya umalis kana dahil baka nakapuwesto na doon si lola Thelma mo at maihatid mo na yan sa lolo mo.."
Sa palayan ay mataas na ang sinag ng araw. Parang nasayang ang pagligo ko dahil sa pawis na aking natamo. 
Nakita kong nasa kamalig sila lolo sa gitna ng palayan at tila pinupulong sila doon kaya sumilong muna ako sa puno at hinintay na matapos sila. 
Nang matapos sila ay nilapitan ko si lolo. 
"Lo! Eto pala yung kanin at ulam mo lo. Tsaka dinalhan kita ng kamote cake.." 
Tumango si lolo at tila malungkot. 
"Oh. Bakit ka malungkot lo?" 
Umupo siya sa lupa at inayos ang mga palay na kanilang itatanim. Ang iba niyang kasamahan ay pinagtitinginan kami. Pakiramdam ko, may kakaiba. Ang may ari kanina ng lupa ang nagpulong sa kanila. Baka siguro, importante at may problema. 
"Wala naman Sol. Ilagay mo lang diyan sa gilid at umalis kana. Ayos lang ako dito.." ngumiti si lolo sakin at hinaplos niya ang buhok ko. 
Nalungkot ako dahil matanda na nga talaga si lolo. Kulubot na ang balat niya at payat. Mabigat ang pakiramdam ko nang naglakad patungo sa tindahan ni lola Thelma. 
Sarap na sarap si lola Thelma sa gawa kong kamote cake. Kumpara rin noon, mas maraming bumili sa amin ngayon. Halos, energetic ako sa pagtulong kay lola Thelma. 
Nang sumapit ang alas tres ay excited na akong umuwi! Nakapag ayos narin kami ng tindahan at nagpaalam na ako kay lola Thelma. 
"Mag ingat ka sa pag uwi Sol ha! Mukhang uulan!" 
"Opo la!" 
Makulimlim nga ang kalangitan. Pero pursigido parin akong antayin si Frosto sa palayan mamaya o di kaya'y sa puno. 
Binilisan ko ang paglakad at ‘ramdam ko na ang antok ko sa buong araw na pagtitinda at pagod narin. 
Kahit ganon, hindi iyon sapat para pawiin ang ngiti sa labi ko. Ewan, nababaliw na yata talaga ako. 
Humina ang aking lakad ng makitang nandoon pala si Jenessa sa ilalim ng puno at tila may inaantay. Humigpit ang hawak ko sa dala kong kamote cake. 
Hay.. sa palayan nalang ako mag aantay. 
Hindi ako tumingin sa banda ni Jenessa at patuloy nalang sa paglakad. 
"Pssst! Sol! Nagmamadali ka yata?" 
Napahinto ako at napatingin sa kanya. 
"Ah, uuwi na kasi.." 
Lumapit siya sakin. "Ah, ganon ba. Nagmamadali ka siguro dahil takot ka sakin." humalukipkip siya at tinitigan ako ng mula mukha hanggang paa. 
"Hindi naman ako masama e." Mas lumapit pa siya. "Sa katunayan nga, nandito ako para sabihin sayo na....pinaalis ng mga Septimo ang lolo mo bilang trabahante sa palayan.."
Namilog ang aking mga mata. 
"Huh?"
"Oo. Hindi ko alam kung bakit e. Pano na yan? Sino na bubuhay sainyo?" 
Natuod ako sa aking kinatatayuan. Pinalis ko ang luha at tinitigan si Jenessa tsaka umiling. Tumawa siya. 
"Hay, alam mo...may alam akong bar dito lang malapit sa Plaza...malaki ang sahod nila at puwede ka doon. Doon nga ako minsan lalo na kapag kailangan ko ng pera..." 
Napakurap kurap ako. 
"Pag isipan mo ah.." aniya at hinaplos ang aking buhok. "Maganda ka naman kapag nakaligo e. Sayang ang pera." kumindat siya tsaka umalis. 
Nanghihina akong napaupo sa lupa at pinatong ang aking mukha sa aking tuhod. 
Naaawa ako kay lolo. Ayoko munang umuwi dahil baka umiyak lang ako doon kay lolo. Bakit naman kaya siya napaalis?
Habang nandoon ako at tinitigan ang mapayapang mapayapang tanawin sa aking harapan ay biglang bumuhos ang ulan. 
Umatras ako lalo para makasilong ako sa puno pero nababasa parin ako. 
Tinitigan ko ang kamote cake sa palad ko. "Mukhang hindi darating si Frosto ngayon..." mapait akong ngumiti. 
Inantay ko nalang tumila para makauwi na ako. Basang basa na ang aking katawan sa ulan. Sanay naman ako sa ganito,iyong naliligo sa ulan pero ngayon parang wala ako sa mood magtampisaw sa ulan. 
Bumuhos lalo ang makapal na ulan at parang basang sisiw na ako sa ilalim ng puno nang may huminto na sasakyan sa aking harapan. 
Hindi ko masyadong maaninaw iyon dahil sa kapal ng ulan. May bulto ng tao na lumabas doon at nakita ko na papalapit sa akin! 
Tiningala ko kung sino itong nakatayo sa aking harapan at nakita kong si Frosto pala! 
Ngumisi ako sa kanya. 
Nakaawang ang labi niya at taas baba ang dibdib , tila ba nagmadali! Suot niya ay iyong pang opisina na nakikita ko sa mga pelikula. 
Tumayo ako at binigay sa kanya ang kamote cake. 
"N-Nandito ka! Ito pala yung camote c-cake.." nanginig ako dahil sa lamig! 
Bakit parang galit siya sakin? Kalaunan ay pumikit ito at hinubad ang kanyang suit at pinulupot sa aking katawan. Nanlaki ang aking mga mata. Kitang kita ko ang pagbakat ng kanyang katawan dahil nakaputing polo na lamang siya. 
"Hahatid kita sainyo..." hindi parin siya ngumingiti pero masaya ako. Ewan! 
Tumango ako sa kanya at sumunod ng pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya. 
Basang basa kaming dalawa!