Chapter 42

1347 Words

May dalawa akong bodyguard ng lumabas kami ng hotel. Nakahawak rin sa baywang ko si Frosto. Hindi ako sanay ng ganito pero sabi ni Frosto ay ayaw na niyang malagay sa kapahamakan ang buhay ko. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit hindi nagkontak sakin sila Papa Max at Don Septimo. Ni hindi na iyon sumagi sa utak ko. Tanging naiisip ko ay si lola. Bukod doon ay itong singsing na nakalagay sa aking palasingsingan. Kumikinang ito sa bawat galaw ko. Nang makalabas kami ng hotel ay dire-diretso kami sa kanyang sasakyan habang nagpoprotekta ang mga body guards niya. Hindi ako sanay pero sa tuwing maalala ko na may gustong magpapatay sakin ay kinikilabutan ako. Pumasok kami sa sasakyan ni Frosto. Kinabit niya sa akin ang seat belt at bumuga ako ng hangin. Nakasuot siya ng dark gray na polo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD