Hawak ni Frosto ang kamay ko habang patungo sa isang pribadong room na kinuha nila para sa aming pagkikita ni lola. Pero nandito ang mama ni ate Ava kaya siguro nandito rin sila. Saya at pagkasabik ang nararamdaman ko ngayon. Pagbukas ng pintuan ay bumungad sakin ang mesang punong puno ng pagkain. Bukod doon , ang mga silya ay napupunan ng mga tao. Isa na doon si lola. Umawang ang labi ko. Nasapo ko iyon at halos tumakbo ako kay lola. Naramdaman ko pa na ayaw akong pakawalan ni Frosto ngunit pursigido ako sa galaw na lalapitan si lola. "Lola!" niyakap ko ng mahigpit si lola. Naramdaman ko ang pagyugyog ng kanyang balikat. Umiyak ako ng umiyak sa balikat niya. “Apo ko, Soledad. Apo namiss kita.” Halo halo ang aking naramdaman. Ang saya ko dahil sa postura ni lola ay mukha siya dit

