Kahit paano ay masaya ako dahil may mga kaibigan ako na nabuo sa eskwelahan. Nanatili akong nakatira sa bahay ni lola na pinatayo si Frosto para sa kanya. Nagkaroon na kami ng sembreak kaya nagkaroon rin ako ng pagkakataon na mapagsilbihan si Frosto kapag may trabaho siya. Kahit siya ay hindi na rin umalis. Nanatili kaming kasama si Lola. 10:30 ng tanghali at nagluluto ako ng sinigang na isda para kay Frosto, balak kong dalhin sa kanyang opisina. Minsan na akong nakapunta doon at may sariling driver naman si lola kaya convenient lang na makapunta. Biglaang pumasok si lola galing sa pintuan sa likod at nakita ko ang bitbit niyang basket na puno ng mga gulay galing sa likod. "Hay, kamusta na kaya doon ang mga gulay na pananim natin hija? Nakakamis naman ang Mindoro." Pinatay ko ang

