Naging busy na si Frosto sa trabaho at busy rin ako sa aking pag aaral. Naninibago ako dahil sa nakikita ko ang sarili ko sa magazine, minsan sa telebisyon. Natanto ko na sobrang kilala nga ang mga Grey dito sa Pilipinas. Kahit na hindi pinagyayabang sakin ni Frosto kung gaano sila kayaman, alam ko na sa oras na alamin ko iyon ay malulula ako. Nasa classroom ako at tinititigan ang mga kaklase kong' nag uusap. Hindi sana ako pwedeng pumasok dahil sa baka maulit ang nangyari noon. Nasabi rin sakin ni Frosto na si Genevive ay nawawala sa sarili at baka ako ay kanyang masaktan. Pero baka naman hindi na iyon mauulit lalo na at may dalawang body guards ang nakabantay sakin. Hindi ako pabor sa kagustuhang ito ni Frosto pero para lang makapasok ako ay pumayag ako sa gusto niya. Ang daming nagb

