Natapos ang buong maghapon na naging maayos naman ang lahat para sa akin. Iniwanan ko na silang lahat habang masayang nag-kukwentuhan sila sa sala.
Pagpasok ko naman sa loob ng kwarto nagulat ako sa malaking pagbabago dahil ang buong kwarto bagong pintura pati ang kisame ay pinalitan na din.
Paupo pa lang sana ako nang makita ko na may sumilip sa pintuan ng kwarto na kinaroroonan ko. Ang nakangiti na si Lena.
"Hi pwede ba pumasok?"
"Oo naman"
Nakangiti ko na sagot sa kanya. Naupo narin siya sa kama. At nilibot din niya ang kanyang mata sa loob ng kwarto. Nakita ko pa ang kanyang pagtango-tango habang pasimple na nakangiti.
"Ayos ahh! buti naman naisipan ipaayos ito ni Vince. Ayaw kasi ng tao na iyon na ginagalaw ang kwarto niya"
Nakangiti sabi sa akin ni Lena.
"Bakit naman?"
"Si Vince kasi yung tao na masyado ma-private na tao. At ayaw din niya nang pinapakialam siya. At Pag sinabing kanya! kanya lang dapat!"
Napakunot-noo ako sa narinig ko kay Lena.
.
"Lena Pwede ko ba malaman kung sino si Vince Cordell? Ang ibig kong Sabihin gusto kong malaman sino ang mga magulang niya, kung may mga kapatid ba siya? O kaya taga saan talaga siya? saan siya lumaki?"
Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Pero nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya.
"Pasensya kana Sierra sa kanya mo dapat marinig ang lahat ng sagot sa mga tanong mo"
"Paano ko iyon gagawin Lena lagi naman siyang umiiwas pag nag-uumpisa na ako magtanong sa kanya"
"Darating din ang tamang panahon na kahit hindi mo na siya tanungin ay siya na mismo ang kusang magsasabi sa'yo ng lahat ng gusto mong malaman"
Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Pero kailan pa iyon Lena? Pag parehas na kaming nalulunod sa mga nararamdaman namin? Hindi ba mas lalo lang kami na masasaktan?"
Sagot ko naman sa kanya. Dahil para sa akin mas gusto kong malaman ang lahat sa umpisa pa lang. Para maihanda ko ang sarili ko sa pwedeng mangyari.
"Naiintindihan kita Sierra, Pero tulad ng sinabi ko si Vince lang ang dapat na sumagot sa mga katanungan mo, Pero sa ngayon huwag mong pigilan kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya. Dahil makakatulong iyang nararamdaman mo sa kanya Sierra pag dumating ang araw na malaman mo ang lahat, At tuturuan ka ng puso mo na patawarin siya"
Hinawakan ni Lena ang isang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya, dahil nakayuko ako kanina ng sabihin niyang huwag kong pipigilan ang nararamdaman ko kay Vince.
"Sierra ang tanging masasagot ko lang sa'yo, Mabuting tao si Vince"
Nakangiti niyang sabi sa akin. Totoo naman ang sinabi niya dahil ramdam ko naman iyon kahit na ilang araw ko pa lang nakakasama ang Isang Vince Cordell.
"Kanina nga pala bago kita sundan dito sa loob, Narinig ko na nagkakaayaan sila na mag fire pinic tayo mamaya, Kaya tutulong lang muna ako kay Nanay sa pagluluto, maiwan na kita dito ha"
Nakangiting sabi sa akin ni Lena. Sabay tayo na niya at tumungo na sa pintuan para lumabas ng kwarto.
Nahiga na ako sa kama. At muling nag-isip, kanina habang sinasabi sa akin ni Vince ang tila pangarap niya habang parehas kami nakatingin sa masayang si Lora na naglalaro sa pampang. Natuwa ang puso ko dahil kasama ako sa pangarap niya. Pero paano mangyayari iyon kung hindi ko pa siya lubusan na kilala?
Habang nasa ganoon ako na pag-iisip nang makarinig ako tila kumakatok. Pero hindi sa pintuan, Kaya muli ko pinakinggan dahil ang katok ay nagmumula sa bintana. Tumayo ako para pagbuksan ko ito. Saglit ako nagulat pero kaagad din naman nawala. Dahil ang nakangiti na si Allen ang nakita ko na nakatayo sa labas ng bintana.
"Hi naistorbo ba kita sa pagpapahinga mo?"
"Hindi naman. Bakit nandyan ka?"
Tanong ko sa kanya.
"Hindi naman kasi ako pwede na dumaan sa pintuan para makita ka diba?"
Sagot lang niya sa akin.
"Para sa'yo oh kainin mo iyan ha?"
Inabot niya sa akin ang dalawang prutas na mapula at may pagka mapusyaw na kulay pink. Hindi ako pamilyar sa prutas na ito. Napansin siguro niya ang katanungan sa mata ko habang hawak ko ang prutas na ibinigay niya.
"Makopa iyan. Masarap yan gusto mo ba malaman ang alamat ng makopa? Pero ang sasabihin ko sa'yo ayon sa aking narinig lamang. At hindi ang paniniwala ayon sa karamihan tungkol sa alamat niyan"
Tumagilid ako ng pwesto sa bintana dahil sumampa na siya para umupo naman sa bintana.
"Ayon sa paniniwala ng iba iyan daw ay nagmula sa Isang "Gong" na nawawala. tignan mo ang hugis niya? hugis kampana diba?"
Tinignan ko ang makopa na hawak ko. Oo nga hugis kampana siya.
"Pero may pagka hugis puso rin siya diba? pati na rin ang kulay? iyan daw kasi ay Isang bunga ng puso ng isang dalagita, Dahil ayon sa kwento ng Lolo ko nang mga kapanahunan daw nila Ayon na rin kanyang naririnig. May isang dalagita daw na umibig sa dalawang lalake, At matalik na magkaibigan ito. Parehas rin daw na nagtapat sa kanya ng Pag-ibig ang magkaibigan. At dahil parehas niya itong mahal, Parehas niya rin ito naging kasintahan"
Napatigil siya saglit sa pagkukwento niya dahil muli siyang napatingin sa makopa na hawak ko.
"Pero nalaman ng dalawang magkaybigan na lalake ang ginawa ng dalagita sa kanila. Kaya sa harapan ng babae ay nagtunggali sila para malaman kung sino ang karapat-dapat sa Pag-ibig ng babaeng parehas nilang minahal. Pero sa kasawiang palad parehas sila binawian ng buhay. At labis na nagdalamhati ang dalagita. Kaya Isang linggo mula ng mangyari iyon ay naglaho bigla ang dalaga. Nakita na lang din siya Isang araw na wala ng buhay. At ang labis pa na pinagtataka ng mga magulang niya at nakasaksi. bakit wala na ang kanyang puso. makalipas ang Isang buwan may umusbong na puno kung saan nakita nilang wala ng buhay ang dalagita. At may hitik na mga bunga na ito na tulad ng hawak mo ngayon"
Bigla ko nabitawan ang makopa na hawak ko dahil sa kanyang sinabi. Na tila Ayon sa kwento niya ay duon itinanim ang puso ng babae na labis na nagmahal sa dalawang magkaybigan na binata. Nakita ko pa na natawa siya dahil sa naging reaksyon ko.
"Sierra huwag mo sabihin na pati Ikaw naniniwala sa kwentong barbero na iyon"
"E bakit kasi kinwento mo pa? Paano ko ito kakainin dahil ayon sa kwento mo puso ito ng dalagita kasi sa hugis pa lang niya oh? tapos yung kulay pa niya diba?"
Sabi ko sa kanya habang kinuha ko sa sahig ang dalawang makopa.
"Hindi naman totoo iyon' Ano kaba"
Natatawa niyang sabi at bumaba na sa bintana sa labas.
" Aalis na ako Kainin mo iyan ha"
"Sige"
Sagot ko sa kanya. Pero muli siyang lumingon sa akin.
"May Fire pinic mamaya, Pupunta kaba?"
Tumango lang ako, Ngumiti lang siya at Kumaway at tuluyan ng lumakad palayo. Habang sinusundan ko naman siya ng tingin habang papalayo. Muli ako napatingin sa dalawang makopa na hawak ko.