Pangarap

1052 Words
Nanatili ako na gising pagkatapos ang mainit na naganap sa amin .Nakaunan ako sa matipuno na dibdib niya habang nakayakap ang isang braso niya sa katawan ko. Nagugulat ako sa aking sarile dahil sa pinapamalas nito at kung ano ang nararamdaman ko. Bago at kakaiba ang lahat ng ito sa akin at si Vince lang ang nakagawa nito sa akin. Hinde ko na alam kung anong oras na ako nakatulog habang maraming tanong sa isip ko habang nasa bisig ako nang lalaking estranghero at alam ko na may galit sa pamilya ko. Pagmulat ko nang aking mata wala na si Vince sa tabi ko, Umayos na ako para mapaupo sa kama napatingin ako sa bintana na may liwanag nang pilit na pumapasok sa mga siwang nito kaya alam ko na matinde na ang sikat nang araw. Kaya tumayo na ako para maligo para makalabas narin nang kwarto. Paglabas ko naman kaagad sumalubong sa akin si Lora na may hawak na baso at iniabot sa akin. "Ate Sierra pinabibigay po ni Kuya allen inumin daw po ninyo agad iyan" Nakangite niya sabe sa akin. tinignan ko ang laman nang baso Lemon juice na may Honey pero mainit siya. Napangite naman ako at sumabay naman sa akin si Lora para lumabas na nang bahay. Dahil mas gusto ko lagi sa labas ng bahay dahil sa mga tanawin na nakikita ko,Tila ba parang inaalis nito pansamantala ang mga maraming katanungan sa isip ko. Paglabas namin ni Lora may nakita ako na nakatalikod na nakaupo sa mahabang upuan habang nakatanaw siya sa dagat na nasa kanyang harapan, Nakita ko rin na may hawak siyang baso. Naupo ako sa kanyang tabi habang nakasunod parin sa akin si Lora na naupo naman sa tabi ko. "Good Morning Allen" "Good Morning Sierra" Nakangiti niyang sagot din sa akin. "Salamat pala sa ginawa mo kahapon Allen" "Wala iyon, Kasalanan din naman kasi ng makulit kong kapatid ang muntikan na mangyare sayo" Sagot naman niya sa akin, Muli niyang ibinaling ang kanyang atensyon sa Dagat. "Allen nag-iisa lang ba talaga ang bahay na ito dito sa lugar na ito?" "Oo nag-iisa lang ito dito, Dahil ito ay Pag-aari ni Vince magulang ko ang Personal na nagbabantay dito" Sagot naman niya sa akin. Napatingin naman ako kay Lora na may hawak na baso at umiinom ng kanyang Hot milk. "Paano ang pag-aaral ni Lora kung nandito lang siya at pati narin si Lena?" Naisipan ko rin na tanungin sa kanya. "Si Lena ay tapos na sa kanyang pag-aaral, Si Lora naman ay nag-aaral parin siya pero bakasyon lang kasi ngayon kaya nandito siya" Napatango lang ako sa naging sagot niya sa akin. "Ate Sierra Kagabe po ba wala ka naririneg na umuungol nang malakas? Hinde po kasi ako nakatulog kagabe sa naririnig ko" Biglang nagsalita si Lora sa tabe ko, At nagulat ako sa kanyang sinabe, Hinde ko alam kung namula ba ang buong mukha ko dahil sa kanyang tanong sa akin. Lalo yata namula ang mukha ko dahil nabaling sa akin ang nakakunot-noo na mukha ni Allen. Hinde ko alam kung bakit pakiramdam ko ay guilty ako sa tanong ni Lora sa akin. "Ah W'wala naman ako narinig Lora, M'Maaga kasi ako natulog kagabe e" Hinde ko alam kung naibigkas ko siya nang hinde ako nauutal. Dahil seryoso parin ang mukha ni Allen na nakatingen sa akin. Napatingin ako naman ako sa dagat dahil sa ingay na paparating , Isang bangka na de-motor ang huminto at nakita ko na sakay nito si John at tatay Leo, At si Vince na agad naman napatingin sa gawi namin ni Allen. Nakita ko pa ang pagkunot nang kanyang noo habang tumingin kay Allen at sa huli ay sa akin. Tumayo sa tabi ko si Allen para salabungin sila. Dahil nakita niya maraming dala sila Vince na pinamile. Pagtapat nila sa akin narinig ko si tatay leo na sinabihan niya si Allen na tulungan sila para ayusin ang kwarto ni Vince. Hinde ko alam kung ano ang mga dala nila. Kaya sinundan ko sila nang tingin habang papasok sila sa bahay. Huminto naman sa harapan ko si Vince na inakay ako para muling maupo. "Kanina ka paba gising?" "Kani-kanina lang" Matipid kong sagot sa kanya. "Close naba kayo ni Allen?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Nakita ko ang seryosong mukha niya na nakatingin sa akin. "Hinde naman nag-uusap lang kame" Hinde na siya kumibo, Inaya niya ako na maglakad-lakad kami sa dalampasigan. Nakita ko na humabol sa amin si Lora para sumabay sa paglalakad namin. Naramdaman ko rin na hinawakan ni Vince ang kamay ko at pinagsaklop ang dalawang palad namin, Kaya magkahawak kamay kami na naglalakad sa dalampasigan. "Sana dumating ang araw na ganito parin ang kamay naten, Pag kailangan na naten harapin ang mga sarile natin Sierra" "Bakit Vince? Bakit ba kasi ayaw mo Sabihin sa akin ang lahat? Baka sakali na ngayon pa lang ay maintindihan kita" Sagot ko naman sa kanya, Naramdaman ko na lalo humigpit ang pagkakahawak niya sa palad ko. "Ayoko Sierra!' Aaminin ko may nararamdaman na akong takot, Na baka matapos ang kakaibang nararamdaman ko pag alam ko na nasa tabi lang kita. Kaya pakiuasap gusto ko manatili muna tayo nang ganito!" Hinde na ako muling nagsalita dahil sa kanyang sinabe, Habang naglalakad naman kami bigla siyang huminto kaya napahinto din ako, Si Lora naman ay tumakbo sa dagat sa mababaw na bahagi lang naman at duon naglaro. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at pinaharap sa dagat kung saan nakikita ko din si Lora. Pumwesto naman siya sa likod ko, Naramdaman ko din na yumakap ang dalawang braso niya sa katawan ko. Habang ang kanyang baba naman ay pumatong sa balikat ko. "Baby ko' Pagmasdan mo si Lora hinde ba ang ganda niyang tignan? Tila wala siyang problema na kahit na anong dinadala. Gusto ko sana ganyan tayo. Alam mo ba habang pinagmamasdan ko siya ngayon at habang yakap kita. May pilit na bumubuo na pangarap sa isip ko. Yung nandito lang tayo malayo sa mga taong pwede na maglayo sa atin," Naramdaman ko na lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa katawan ko. Gusto ko sana Sierra dumating yung araw na yakap kita nang ganito Habang pinagmamasdan naten ang mga anak naten na naglalaro sa dalampasigan na katulad nang ginagawa ngayon ni Lora"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD