AFTER her one week work sa Boracay ay mas consistent na ang pagiging malapit ni Yvan sa kanya. Napapansin niya ang pagiging sweet and caring nito sa kanya. Bagay na parang kinakasanayan na niya. But she always wonder ano ba ang nagustuhan nito sa kanya? Hindi pa naman sila lubusang magkakilala nito to tell that he really fall inlove with her. Ganoon din siya, parang wala pa siyang gaanong alam tungkol dito especially his past. Baka nadadala lamang ito sa sitwasyon nila. Natatakot siyang sumugal sa pag-ibig, iyon ang totoo. Matapang at palaban siya sa maraming bagay, but not on the aspect of romantic love. Natatakot siyang masaktan at gayon din ang makasakit. She wants to be sure first of her feelings for Yvan because she's confused. Pwede bang main-love sa taong halos kakikilala pa lang?