AFTER their short vacation ay balik trabaho na sila. Hindi na rin nila napag-usapan ni Yvan ang biglaang confession nito. Wala namang nagbago sa kanila bukod sa mas naging sensitive siya sa mga ginagawa nito. Walang nagbago sa pag-asikaso nito sa kanya pero ngayon ay napapansin na niyang lahat iyon. Yvan is sweet at caring. Hindi niya nai-imagine na darating siya sa ganitong punto na may hahayaan pala siyang mag aalaga sa kanya except sa pamilya niya. Mabilis siyang gumayak para sa trabaho niya at gayon din si Yvan na nakasuot na ng office suit nito. Sabay silang bumababa upang mag-almusal muna bago pumasok. Noong unang linggo na nakita niya itong pumapasok ng late but recently ay sinasabayan na siya nito ngayon. She ask him about it and he just shrugged at doon niya napansin na maaga na