Sinulyapan ni Dylanne ang kanyang relong pambisig. Medyo nababato siya na mag-isa lang sa silid ni Coulter sa loob ng private jet—ang parehong silid na ipinasok siya noon nang ayaw ng lalaking magpakalasing siya. May kausap na mga kliyente at empleyado ang binata sa telepono halos sa buong biyahe at kausap din nito ang PA sa labas ng silid. Nakipag-chat siya sa mga kaibigang skaters na nagka-clubbing pero napagod na rin siya at nagpaalam sa mga ito, sinabing magkikita-kita sila pagdating niya ng LA. Alam na rin ng daddy niya na darating sila ni Coulter. At alam na rin nito ang tungkol sa kanila ng binata dahil sinabi ng lola niya. Ayaw kasi nitong siya ang magsabi at baka maduduwag siya kahit na nagpaalam na nga si Coulter na manliligaw sa kanya ilang buwan na ang nakalipas. Napabuga si

