Sumabay na si Dylanne kay Coulter na bumalik ng Manila at dumiretso sa mansion ng binata. Natutuwa ang Lola Agwa at tiyo niyang nagkaayos na sila ng binata at lalo na nang malaman ng mga itong sinagot na niya ang lalaki. Pero sa makalawa na ang flight niya. Nangako siya kay Coach Vaslek na babalik na siya sa LA para mag-eensayo para sa susunod na pair skating na sasalihan. Kailangan nilang magpraktis ni Fred ng long at short programs. “Huwag ka nang magko-commercial plane, shug. Ang private jet ko na lang ang gagamitin natin para bumalik ka roon. Ayokong makipagsiksikan ka sa mga taong hindi mo kakilala,” sabi ng lalaki nang dumating sila sa mansion nito at nagdi-dinner. Napamaang siyang nakatingin sa nobyo, nilunok ang chocolate mousse. “What do you mean?” “Ihahatid na kita sa LA,” saa

