“Apo, talaga bang babalik ka na sa LA?” tanong ng Lola Agwa ni Dylanne. Nasa balkonahe sila nagpapahangin at nakamasid sa mga bituin. Ang ganda ng langit dahil sa daming kumikinang na mga tala sa gabing iyon na hindi maulap at walang buwan. “Opo, ‘La. Naisip ko rin kasing magpe-perform one last time kasama si Fred at mag-aral sa university gaya ng hiling ni Daddy,” malumanay niyang sagot. Nakasandal ang ulo niya sa silyang kinauupuan at hindi inalis sa langit ang paningin. “O? Sure ka na ba riyan, apo? Paano na si Coulter?” Parang naumid yata ang dila niya. Hindi siya nakasagot. “Hindi mo pa rin ba siya mapapatawad? Ang akala ko pa naman ay masaya ka dahil gusto ka rin pala niya, matagal na. ‘Di ba ‘yon ‘yong gusto mong mangyari? Eh, natupad na nga, apo. Pero bakit parang galit ka pa

