Chapter Thirty Nine AMIR INALAGAAN ko ang bata na parang sarili kong kapatid. Hindi ko siya itinuring na anak dahil wala pa ako sa tamang edad o wala pa sa aking sarili ang magkaanak na hindi pa naaabot ang mga pangarap ko. Kaya tinanggap ko ang hamon kahit na isipin ni Yumi na bumalik na ako kay Myra. Masakit para sa akin na nakikita niya akong kasama ang bata at ni hindi ko siya kayang pansinin dahil naguguilty ako sa mga bagay na hindi ko masabi sa kanya. Kaya noong nakita niya ako sa bakery ay halos hindi ako makalingon sa kanya. Hindi niya rin alam na nakita ko siyang patakbong umalis mula sa Kyla’s garden habang sinasamahan ko si Myra na mamili ng mga halamang iyuuwi niya sa kanila. Nagkasundo na kami. Kinausap ko siya na hindi niya ako pwedeng pilitin na bumalik sa kanya. Natau

