Kabanata 32 Idinilat ko ang aking mga mata — umaasang bangungot lang ang lahat ng nangyari sa akin ilang buwan na ang mga nakalipas. Ngunit hindi. Madilim pa rin ang mundo ko. Ilang umaga na akong nagigising na hindi nasisilayan ang sikat ng araw. Nararamdaman ngunit hindi na kailanman makikita. Gusto ko nang umabante at tanggapin na ito na ang kapalaran ko. Na hindi na ako makakakita pa. Hindi na maaabot ang pangarap at mananatili na lang kulang habang nabubuhay. Pero paano ko ba sisimulan? Pinahid ko ang patak ng luha sa aking pisngi at huminga ng malalim. Sa tuwing sasapit na lang ang bawat araw ay ganito ako. Napakaraming tanong sa sarili na hindi naman nasasagot. "Adrestia, anak. Ari na diri, kumpleto na ang tanan." boses iyon ni nanay. "Muanha ra ako, nay!" Kinapa-kapa k