Kabanata 33 Gamit ang aking tungkod, dahan-dahan akong humahakbang patungo sa damuhan na palagi kong inuupuan tuwing sasapit ang lilim. Gusto pa sana akong tulungan ni nanay na magpunta roon pero sinabi kong kailangan kong masanay nang walang gumagabay sa akin. Sa bawat paghakbang ko, doble ang pag-iingat ko. Ngunit minsan, hindi talaga maiiwasan ang bumagsak lalo pa at wala namang ibang nakikita kung hindi ang dilim. Tatlong magkakasunod na tahol ang pinakawalan ni Browny nang sumadlak ako sa lupa. Agad kong kinapa ang tungkod at pinulot ito. Itinuon ko ito sa lupa at mabagal na tumayo. Matapos pagpagin ang puwetan ay nagpatuloy akong muli sa paghakbang. Bumuntong hininga ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na akong nahulog. Pero madalas sa mga panahon na iyon, lagi akong