Kabanata 22 "Hindi ba at best friends kayo? Bakit hindi ko na kayo nakikitang magkasama?" Malayo pa lang ay naririnig ko na ang tanong na iyon ni Clarisse, isa sa mga kaklase ni Maricel na sa tuwing nakikita ako ay laging umiismid. Noon pa man ay ganoon na ang pakikitungo niya sa akin. Kahit noong hindi pa kumakalat ang tungkol sa amin ni Dashiel. "Hindi ako sumasama sa mga babaeng oportunista ang mapanamantala, Clarisse. Nakakahiya iyon." Sinikap kong huwag nang tumingin sa direksyon nila Maricel nang sabihin niya iyon. I tried to ignore them and pretend that I didn't hear them talking at all. "Mukha rin namang gustong-gusto siya ni Dashiel Monasterio. Halata iyon sa tuwing sinusundo siya. At isa pa, sino bang lalaki ang makakaisip sasamahan ka buong maghapon sa klase mo?" natawa s