MAGMULA ng maging haciendero si Andrei ay nawalan ang kanyang pagka maselan. Ngayon ay kasalamuha na siya ng mga trabahador kapag umiinom ng alak. Marunong na rin siyang makipag biruan pero syempre kapag oras ng trabaho ay istrikto siya. Hindi din maiwasan na makisalamuha si Andrei sa mga babaeng nagpapalipad hangin sa kanya. Pero umiiwas siya dahil wala sa isipan niya ang bagay na iyon. Aminado naman siya na may mga pangangailangan siya. Pero takot siyang gumawa dito sa probinsya. Baka maka disgrasya pa siya at magka problema. Isa lang ang gusto niya ang maging kaibigan ang mga tao sa lugar na iyon. Pag sunday nasa hacienda Montemayor siya. Kagaya niya ay single din ang kaibigan si Jade, halos pareho yata sila ng kapalaran. Pasadong alas-dos ay nasa gilid sila ng bahay ni Pareng