BINASAG ni Andrei ang sandaling katahimikan ng pamilya niyang pinagmulan. Ang amang hari, inang reyna, mga kapatid at ang kanyang ama. “Ahm, aabalahin ko muna po kayo para ibigay ang mga card key.” inabot niya kay Prince Philip at Prince William ang card. “Kuya Andrei, isang kwarto na lang kaming dalawa upang may magamit ang ibang mga bisita mo.” “Sure kayong dalawa?” “Yes, Kuya Andrei.” “Thank you, brother.” “Mahal na hari, inang reyna naririto po ang card para sa inyo…” “Ang card na yan ay ibigay mo sa iyong ama at ina. Doon na lang ako sa pang isahang silid.” natilihan si Andrei sa narinig. ‘Di yatat, ang inang reyna at daddy niya ang ibig sabihin ng amang hari? “Andrei, nagkaayos na kami ng daddy mo, ibinalik ko na sa kanya ang iyong mama. Sila naman talaga ang tunay na nagmama