NASA pintuan pa lamang si Matt may bagay na tumama sa kanyang dibdib. Pagsulyap niya sa sahig ay remote control iyon ng tv. “Bakit mo ako binato ano na naman ba ang kasalanan ko sayo?” “Anong pakilala mo sa akin sa mga kaibigan mo?” hindi agad nakapag salita si Matt, wala siyang maisip na tamang salita. Dahil siguradong hindi lang remote ang tatama sa kanyang katawan kapag mali ang sagot niya. “Hindi ka makasagot, sinabi mong girlfriend mo ako?” “Bakit mo nasabi yon sino ang nagsabi sayo?” “Alam ko yon ang sasabihin ng kaibigan mo kanina sinaway mo lang!” “Kung ano-anong napasok sa isipan mo, bakit ko yon sasabihin sa kanila? Sa akala mo ba m-may gusto ako sayo para yon ang isipin mo? Hindi naman lingid sa'yo ang mga babaeng nagkakagusto sa akin. At alam mo rin siguro kung ano ang st