Chapter 01 3rd Person's POV "Anong nangyari? Anong ginagawa ko dito?" tanong ni Sebastian. Nakaupo siya ngayon sa hindi niya alam kung kaninong kwarto— kakaiba ang kasuotan niya at halos lahat ng bagay doon ay gawa sa ginto. Tiningnan niya ang sarili sa reflection niya sa salamin na nasa paanan niya lang. Napahawak si Sebastian sa ulo at sunod-sunod na napamura. Eksaktong katawan iyon ni Sebastian ngunit alam niya na wala na naman siya sa reyalidad. "Ano namang mundo ito? Tangna," mura ni Sebastian. Napatigil si Sebastian matapos may mga dumating na tagapaglingkod. Lumuhod ang mga ito at tinawag siyang emperor. Feeling niya magpa-passed out siya dahil doon. "Nababaliw na yata talaga ako," ani ni Sebastian. Niyakap niya ang mga tuhod at sumubsob doon. Maraming mga tagapaglingkod