Epilogue 3rd Person's POV "Hindi ka pa ba pagod?" tanong ni Sebastian. Nasa likod siya ni Hector habang naglalakad sila ngayon patungo sa dalampasigan. "Bakit ako mapapagod?" sagot ni Hector. Humilig si Sebastian sa katawan ni Hector. "Hector, magagalit ka ba kung sabihin ko na pagod na ako? Gusto ko ng matulog," bulong ni Sebastian. Nakatingin si Sebastian ngayon sa napakaraming puno na nadadaanan nila. Napatigil sina Lucas nasa nasa likuran lang din nina Sebastian. Huminto silang lahat sa paglalakad. Nagpatuloy si Hector sa paglalakad habang buhat si Sebastian. Tumawa ng mahina si Hector. "Hindi ko magagawa sa iyo magalit Sebastian," ani ni Hector. Pilit ni Sebastian pinanitiling gising ang sarili at ubos lakas niyang niyakap ng mahigpit si Hector. Niyakap niya ang leeg ni He