Chapter 10 3rd Person's POV Pinatawag ang buong department kung saan nabibilang sina Hector, Portia at Mike sa gymn. Doon ini-anunsyo ng class representatives na magkakaroon nga daw ng competition ang bawat department para sa sports festival. Gagawa sila ng isang play. "60% sa views it's mean mahalaga na mai-upload iyon sa social media, 20% sa satisfaction ng audience at 20% ng judges. Anyway ang prize dito kapag nanalo tayo ng first place ay wala ng exam next month at isang linggo na field trip. Hiking and swimming— free lahat kaya gawin natin ang best natin!" Lahat na-excite matapos marinig iyon lalo na iyong walang exam. Nagtulong-tulong lahat ng nasa journalism club para gumawa ng interesante na kwento— doon nalaman ni Mike na writer si Portia. Isa kasi sa mga kaibigan nito na