Chapter 11 3rd Person's POV Dalawang araw ang lumipas. Isinama ni Mike sa school si Hestia. Wala itong pasok kaya sinama niya ito sa university. "Ang cute ng bata oh— wait bakit kasama niya si piggy." Nasa hallway sila ngayon. Hindi na lang ni Mike pinansin ang mga estudyante na sari-sari ang komento matapos makita si Hestia. "Saan tayo pupunta kuya Mike?" tanong ni Hestia. Ginala-gala niya ang paningin sa paligid. "Pupunta tayo sa classroom ko. Kapag nandoon na tayo quite ka lang okay? Behave," ani ni Mike. Agad na tumango-tango si Hestia. Tumungo sila sa classroom kasama si Hestia. Napatingin ang mga kaklase ni Mike ngunit hindi sila pinansin ni Mike. Inupo ni Mike si Hestia sa upuan na nasa tabi niya at inalis ang bag nito. Umupo na din si Mike at may nilabas siyang folder.