Chapter 46 3rd Person's POV Tinungo ng mga katulong ang pinto ng mansion. Bumukas iyon at pumasok ang ina ni Nero. Binati ito ng mga katulong at kinuha ang dala na bag ng babae. Agad na tumuyo si Nero para salubungin ang ina. "Mom," ani ni Nero. Tiningnan ng ina ni Nero si Nathan na agad tumayo. Nakapamulsahan na lumapit ang babae kay Nathan. Sinundan siya ng tingin nina Mike. "Mom, boyfriend ko na siya," anunsyo ni Nero. Hindi naman nagulat ang ginang. Todo iwas ng tingin si Nathan. Natahimik sina Mike dahil kakaiba ang dating ng ina ni Nero. "Wala ka bang ibang sasabihin Nero bukod sa boyfriend mo na siya?" tanong ng ina ni Nero. Nilingon ng ginang si Nero. Nagtaka si Nero. "Hindi ka nagulat mom?" tanong ni Nero. Napa-pokerface ang ginang. "Kung hindi siya iyong bata na naki

