Chapter 47 3rd Person's POV Tinungo ni Nathan ang library. Nagbakasakali na siya na nandoon ang mommy ni Nero. Nagtanong siya sa isa sa mga staff. "Naka-duty ba ngayon ang librarian?" tanong ni Nathan sa isa sa mga staff. Sinabi ng staff na dayf off ng librarian bukas pa ang pasok nito. Napamura si Nathan sa isip niya. Gusto niya sana makausap ang ginang. "Uy Nathan. Nandito ka din." Napalingon si Nathan. Nakita niya si Mike. Tinanong ni Nathan kung anong ginagawa doon ni Mike. "Ano bang ginagawa sa library?" ani ni Mike na natatawa. Napakamot sa ulo si Nathan. Tinanong ni Mike kung anong ginagawa doon ni Nathan. "Gusto ko sana makausap ang librarian. Wala pala siya ngayon," ani ni Nathan. Tiningnan lang siya ni Mike. "About kay Nero?" Hindi umimik si Nathan. Maya-maya hina

