Chapter 48 3rd Person's POV Nagawa pa tumawa ni Rocelle matapos sabihin na ilang beses din niya tinangka tapusin ang buhay dahil doon. Diring-diri siya sa sarili niya. She lost her hope, confidence and her dignity. Iyon na lang ang meron siya nawala niya pa. "Hindi na naalala ito ni Nariah ngunit dahil sa kaniya nagawa kong bumangon. Nakilala ko siya," ani ni Rocelle at nilingon si Nariah na bumakas ang gulat sa mukha. Tiningnan ni Rocelle si Nero at sinabing ang mommy niya ang naging motivation niya para bumangon then dumating si Nero. "Lumaki din sa kalsada si Nariah, magnanakaw siya sa edad na 10 years old i think. Nagkakilala kami sa ilalim ng tulay noong nagkasakit ako. Nakita niya ako doon at tinulungan. Nawalan na ako ng pag-asa 'non at hinihintay ko na lang mamatay ako pero

