Chapter 49 3rd Person's POV "Ibig sabihin planado ito lahat," madilim ang mukha na sambit ni Hector. Kinausap sila pagkalipas ng dalawang araw ng parents ni Nero. "Kung hindi tayo namatay sa cruise ship may ibang mamatay at sisihin 'non si Sebastia— the heck. Ibig sabihin nahulog tayo lahat sa trap?" ani ni Jared na napatanga. Paanong hindi nila na-realized na bait lang si Sebastian. "Alam ng nag-frame up na hindi natin hahayaan si Sebastian magiging witness tayo. Kung hahayaan natin si Sebastian makukulong si Sebastian at kung lalaban tayo at magiging witness— ilang pamilya ang madadawit kasama na doon ang mga Ferrer," ani ni Lucas na napasapo sa noo. "Kung mananahimik tayo at hahayaan si Sebastian— suspect tayo at makukulong si Sebastian. Ganoon din kasama pa din ang pangalan ng

