Chapter 39 3rd Person's POV "Treason?" ulit ni Sebastian. Kausap niya ngayon sina Taio. "Iyong taong pinasusundan mo sa amin nagsimula na silang kumilos. Sigurado ako doon lalo na at nalaman ko nakikipag-ugnayan din sila east," ani ni Jaira. Napahawak si Sebastian sa baba niya. Ngayon alam na ni Sebastian kung bakit ilang taon nanahimik ang east. Kampante naman siya na hindi siya dadalhin ng mga ito sa korte dahil siguradong lalabas ang lahat ng baho nila. Dalawang emperyo ang babagsak kung ganoon pero dahil alam niya ang ugali ng emperor hindi ito kikilos para pumunta ng korte ganoon din siya lalo na at maaring maipit dito ang reyna at mga anak. Katulad ng inaasahan niya magdedeklara ang mga ito ng digmaan. Dapat nila iyon paghandaan kung ganoon. Wala silang ebidensya kaya wal