Chapter 40 3rd Person's POV Nanlamig si Hector matapos makita ang taong buhat ni Draven. Nabitawan nina Serkan ang hawak na espada matapos makita ang bakas ng dugo ng emperor sa lupa na humahalo sa putik. "Emperor," ani Hector. Tila gumuho ang mundo ni Hector at nanghihina na lumapit sa direksyon ng emperor na kaalukuyang buhat ni Draven. "Hindi— hindi ito totoo," bulong ni Hector. Hindi alam ni Hector paano hahawakan ang walang buhay na katawan ni Sebastian. "Hindi!" sigaw ni Hector at napaluhod. Sinabunutan nito ang sarili at umiyak. Tila nasisiraan na ng ulo si Hector habang nakaluhod at nakayuko sa lupa. Tumulo ang luha nina Serkan, Dion at Yadiel. Hindi din nila alam kung paano lalapit. Narinig nila ang iyak ng sanggol. Napaangat ng tingin si Hector. Nakita nila ang empr