Chapter 55 3rd Person's POV Sa silid ni Mike may matandang babae ang nakatayo sa gilid ng kama. Yumuko ang matanda at kinuha ang libro na nahulog ni Mike. Tiningnan niya si Mike na mahimbing ang tulog. Nakasubsob si Hector sa gilid ng kama habang hawak ang isang kamay ni Mike. Naimulat ni Mike ang mata. Puting kisame ang bumungad sa kaniya at lumingon. Nagulat si Mike at napabangon matapos makita ang matanda. "Lola?" Napatigil si Mike at tiningnan si Hector na nakaupo sa pang-isahan na upuan at hawak ang kamay niya. Tumingin siya sa sofa. Tulog si Sebastian at Draven. "Hindi sila magigising hangga't walang permiso ko. Ikaw lang din naman ang makakakita sa akin," ani ng matanda. Napatigil si Mike. "A-Anong— lola sino ka ba?" tanong ni Mike. Hindi niya maintindihan. Multo ba ito

