Chapter 54 3rd Person's POV "Ikaw ang dahilan kung bakit tayo iniwan ng ama mo! Ikaw! Ikaw!" Pinagsasampal ng ginang ang anak na na si Lucien na nasa limang taong gulang. Umiiyak si Lucien at sunod-sunod na humingi ng sorry. Hawak niya ang kamay ng ina at sinasabi ma huwag na ito magalit. Magiging mabuti siyang anak. Agad siya tinulak ng ginang at sinabing nakakadiri siya. Pinanganak si Lucien na walang maganda na tiyura. May mahaba na nguso, malaki na mga mata at tenga. Madalas itong kinukutya dahil sa kapangitan nito. Iniwan ng matandang Gibson ang mag-ina niya dahil sa hindi ito naniniwala na anak nito si Lucien. Dinala ng matandang Gibson ang sia nitong anak na babae na kapatid ni Lucien. Sinabi pa nito na wala siyang anak na katulad ni Lucien— ayaw nito magmukhang katawa-ta

