Chapter 53 3rd Person's POV "Nakakatuwa," ani ni Acier. Pinanonood niya ngayon ang kapatid, si Lucas kasama ang kambal. Nasa labas ang mga ito ng mansion at kumakain. "Ikaw wala ka pang balak mag-girlfriend?" tanong ni Kei. Naglalakad na sila ngayom pabalik ng sasakyan. Nandoon lang sila par i-check ang dalawa. Nag-aalala kasi sina Sebastian dahil ilang araw ng hindi pumapasok si Lucas. "Hindi ko kailangan ng girlfriend," sagot ni Acier. Tumawa si Kei at tinanong kung balak nito tumandang binata. "Hindi malayo iyon kung hindi mo ako seseryosohin," ani ni Acier matapos kuhanin ang phone niya at i-check kung may nag-text sa kaniya. "What?" tanong ni Kei. Lumingon si Acier kay Kei. "Kung after 40 years wala ka pang balak ligawan ako siguro magmomonghe na lang ako," ani ni Acier ba

