Chapter 16 3rd Person's POV Hindi maiwasan ni Hector na mapangiti dahil ang emperor pa mismo ang nagtali ng buhok niya. Magpatuloy sila sa pagkain. Nang matapos si Sebastian kumain katulad ng dati ay pinanonood niya lang si Hector na kumain. Hindi ni Sebastian inaalis ang tingin kay Hector hanggang sa may mga pumasok na tao sa kainan. Yumuko ang mga taong nasa tagong bahagi ng kainan. Agad ang mga ito nilapitan ng landlady. Sa likuran nina Sebastian umupo ang mga bagong dating. "Tapos ka na kumain?" tanong ni Sebastian. Naubos ni Hector ang mga nasa lamesa. "Busog na ako," sagot ni Hector. Tinawag ni Sebastian ang owner at sinabing magbabayad na sila. Mukhang busy pa ito kaya tumayo si Sebastian. Lumapit sa owner na mukhang pabalik na para kumuha ng order. Nagbigay si Sebas