Chapter 15 3rd Person's POV Sobra-sobra ang nakuha nilang pagkain kaya umabot iyon hanggang sa apat na araw na paglalakbay nila. Noong panglima na araw ay nakarating na sila sa bayan. Inakupahan nila ang isang inn para lang sa kanila. Pinasara nila iyon. Magi-stay sila doon ng dalawang araw para sa mga bata. Iyong landlady naman ay tila na-shocked matapos makita na maraming bata kasama sina Sebastian at mukhang mga galing ito sa maharlika na pamilya. "Mira, pakisamahan naman ang mga bata sa kani-kanilang silid," ani ni Sebastian at binaba ang suot nitong roba kasunod nito si Hector na ginagala ang paningin sa paligid. Restauran ang baba ng inn kaya may ilang tao pa din sa baba na napako ang tingin sa mga mukhang manlalakbay galing sa ibang emperyo. "Ama, gusto namin ng pagkain,