"Hmmm... iyon din ang aking hinala," pagsang-ayon ni Mr. Reliy. "Dad, ano ang gagawin natin?" tanong ni Cloe sa kaniyang biyenan. "Huwag kang mag-alala. anak. Gagawin natin ang lahat para makauwing ligtas ang iyong asawa." "Salamat, Dad." At yumakap siya sa kaniyang biyenan na may konting kaluwagan sa kaniyang dibdib. At maya-maya pa ay dumating ang kaniyang ina na puno sa pag-alala. "Ma!" sambit ni Cloe at agad na yumakap. "May, balita na ba kay Zoey?" tanong nito. "Wala pa. Pero kumilos na ang mga pulis," tugon ng kaniyang asawa. Tinawag ni, Mr. Reliy, ang kaniyang private nurse at pinapakuha nito ang kaniyang phone sa loob ng kuwarto. "Hello, Kumusta?" tanong niya sa kabilang linya. "Mabuti naman, sir," tugon nito. "May ipapagawa ako sa iyo, may dumukot sa aking ana
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books