Hindi sumagot ang dalawang lalaki bagkus tinakpan ang kaniyang mga mata. Akmang nanlaban si Zoey, ngunit biglang pinalo ang kaniyang batok at nawalan siya ng malay at tinalian ang kaniyang mga kamay. Agad tinawagan ng lalaki ang nag-utos sa kaniya. "Madam, hawak na namin ang inuutos mo sa amin." "Okay, good! Dalhin nyo sa lugar na sinabi ko sa inyo. Papunta na ako doon." "Okay, madam." "Make sure na walang nakasunod sa inyo!" "Yes, madam." NAGKAMALAY si Zoey na nasa loob na siya nang isang kuwarto. nakahiga siya sa kama ngunit nakatali pa rin ito. Sinikap niyang makatayo at pilit binubuksan ang pinto. Subalit naka-lock ito. "Buksan n'yo ang pinto! Anong kailangan ninyong sa akin?!" pagsisigaw niya. At maya-maya pa ay dahan-dahang bumukas ang pinto. "Kumusta ang bakasyon?" nakang