NANG matapos silang makapag-mall ay nag-snacks muna sila sa isang 'Chinese Restaurant'. Nakalabas sila ay mag-alas-siyete na kaya bumalik na sila sa hotel. "Shower time na, kuya Anclezo!" sabi ni Zoey. "Okay, Daddy..." tugon naman nito at dali-daling lumapit sa kaniyang ama. "Me... me... me!" sabat naman ng bunso at nagtalon-talon pa ito. "Okay, let's!" turan ni Zoey. "Susunod ako, sweetie. Ihanda ko lang ang kanilang mga pajama," pahayag naman ni Cloe. Masaya ang buong mag-asawa sa loob ng banyo habang pinapaliguan nila ang dalawang bata. "Happy ang baby Angel ni Mommy?" "Uhmm ... uhmm!" nakangiting tugon ng bata at tumango-tango ito. "Love you, Mommy. Love you, Daddy!" sabi ni Anclezo. Love you, Daddy. Love you, Mommy!" turan naman ng kanilang bunso. Hanggang sa nakat