"Hindi ka ba makatulog?" malumanay niyang tanong at umupo sa harapan ni Zoey. "May iniisip lang. Ikaw hindi ka rin ba makatulog?" "Ummm, tulad mo rin may iniisip." Bahagyang kumunot ang noo ni Zoey, at kahit madilim ay napatitig ito sa kaniya. "Ano ba ang nangyari sa aking asawa? Bakit siya nagkaganiyan?" kalmado niyang tanong. "Two-years ago, pareho kaming nagpa-check-up ni Angelo. Dahil dalawang taon na kaming kasal ngunit hindi akp nabuntis. At pareho naming magkaroon ng anak. Siya ang kumuha sa resulta at noong nalaman niya na barren siya ay iyon din ang araw na naaksidente siya. At ang sabi ng iyon ang sanhi sa magkaroon niya ng brain cancer," kuwento ni Cloe. "Bakit hindi kayo nagpa-check-up agad noong nagsimula nang sumakit ang kaniyang ulo. Ikaw ang asawa dapat kinumbinsi m