"ZOEY ..." sambit niya at slow motion na humarap. "Angel!" gilalas nito at agad siyang niyakap ng mahigpit. "Zoey ..." muli niyang sambit at tumugon ito sa yakap. Umiiyak si Cloe habang pinagmamasdan niya ang dalawa. Hindi naman siya nasaktan dahil nagpaibabaw pa rin ang pagmamahal at ang tiwala niya sa asawa. "Ang tanggal kitang hinahanap Angel," madamdaming sabi ni Zoey at hinalikan niya ang noo ng asawa. "Kumusta ka na Zoey?" tanong niya sabay punas sa kaniyang mga luha. "Okay na okay ako ngayon Angel. Pero ikaw —" putol niyang sasabihin at muli niyang niyakap ang asawa. "May stage 4 brain cancer ako Zoey." Pagtatapat niya at muling pumatak ang kaniyang luha. "I know. Angel, isasama kita sa States doon ka magpapagamot." "Huwag na Zoey, magastos lang at isa o dalawang